Wika mo, Wika ng Mundo

   
 Taon taon, tayo ay nagdidiwang ng Buwan ng Wika, ang tema ngayon ay "Filipino: Wika ng Saliksik" Ano nga ba ang ibig sabihin ng pahayag na ito?  Bakit mahalaga ang ating sariling wika?

     Ang wikang Filipino ay dapat nating mahalin dahil ito ang sagisag nitong bansa natin, pinagbubuklod nito ang ating damdamin Pati na rin  isipan at ating  mga layunin. Ang wikang Filipino ang ginagamit sa lahat ng sulok dito sa ating bansa. Ang ating wikang Filipino ay ginagamit natin upang tayo ay magkaintindihan at kapag tayo ay nakikisalamuha sa iba. Ito ang nagsisilbing sinturon upang maitali ang mga mamamayan upang maging isa sila sa kanilang mga diwa. Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon nito na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larang ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.

     Mahalaga sa atin ang ating wika dahil ito ang daan upang tayo ay magkaroon ng komunikasyon at magkaroon ng pagkakaisa. Kung nagkakaisa tayo, mas mapauunlad natin ang ating bansa.

https://www.deviantart.com/miuseorin/art/Hetalia-Philippines-533017734

Comments

  1. Kung ang inaasahan mo kaibigan ay maisasakatuparan, magiging isa ka sa mga taong nagdulot ng pagbabago, tungo sa pambansang kaunlaran! Ipagpatuloy mo pa ang iyong napakagandang talento. #wikakomahalinkongbuo

    ReplyDelete
  2. Dapat lang talaga na ating mahalin ang ating wika. May mahalaga itong tungkulin sa ating kaunlaran

    ReplyDelete

Post a Comment