Modernong Teknolohiya

     Tayo ay mulat sa katotohanan na ang teknolohiya ay isa sa pinaka importanteng mapag kukunan ng impormasyon ng mga mag-aaral sa kasalukuyang panahon. Sa madaling sabi ang teknolohiya ay lubos na nakatutulong sa atin.

     Sa makabagong panahon, ang gadget ay isa sa mga ginagamit para magturo at matuto. Sa aking pananaw, hindi naman masama ang paggamit ng gadget dahil alam nating lahat na napakalaki ng naitutulong nito sa atin. Ngunit sa paglipas ng panahon, nagiging abusado na tayo, hindi na natin ito nagagamit sa tunay nitong gamit. Napakalaki ng pinagbago ng mga kabataan dahil sa modernong teknolohiya. Yung oras sana sa pag-aaral o sa pamilya ay inilalaan nalang sa paglalaro ng gadget.

     Buksan natin ang ating mga isip at puso, maglaan tayo ng oras para sa mga mahal natin. Oo alam nating lahat ma ang mga impossible noon ay possible na ngayon. Kailangan lamang ng disiplina ng bawat isa upang lalo tayong umunlad.

Comments