Pinaka masayang parte ng ating buhay - ang kabataan

 

  Makukulay na banderitas, naglalakihang mga lobo, matatamis na pagkain, ang mascot, nakakatawang clown, masasarap na putahe, mga batang sumasayaw  depenisyon ng isang childrens party o pagdiriwang sa children's month celebration.


     Ang kabataan ang pinaka masayang parte ng ating buhay marami tayong natututunan sa ating kabataan. Mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang anak. Pero pagdating sa pagpapalaki ng isang masiyahing anak, malalaman mong napakahirap ito, marami kang dapat isakripisyo at pagdaanan. Pero paano nga ba pasayahin ang mga bata? Ang Children's Month Celebration ay isang daan upang mapasaya sila. Dahil sa pagdiriwang natin dito, nagagawa ng mga bata ang lahat ng gusto nila, nabibigyan sila nga atensyon, mas ina alagaan sila at nakaka tanggap ng mga regalo.


     Sa lahat ng magulang, ibigay niyo ang nararapat na pag-aaruga sa kanila, alagaan ng lubos lubos, mahalin ng walang pag aalinlangan, ibigay ang dapat sa kanila dahil sila ang pinaka magandang regalo na ibinigay ng Diyos sa inyo.

Reference (picture)
http://millenialnowadayst.com/2017/10/millennials-now-days-sa-panahon-ngayon.html?m=1

Comments